Saturday, February 26, 2005

Carriers Of The Scars Of Life

Yesterday was a holiday in celebration of the EDSA 1 revolution. It was a free day and i did not report myself to work. Instead, woke up early, had my usual coffee, egg and bread, packed my guitar with my pick and extra set of strings and drove straight to a cousin's house in Marikina. We had this scheduled practice with my band for a forthcoming "small-small" gig at a friend's birthday. Syempre, we have to be prepared para hindi naman kami magmukhang lata.

But that was not the story is all about. While i was on a traffic stop at the intersection of Masinag and Marcos Hi-way, a barely 8-year-old skinny boy, in his soiled clothes and smudge on his face knocked on my side seat with his palm open. Without a word, it is understood he was begging for some alms. I just picked up a five-peso coin and hand it over to him while i kept my eyes on the traffic lights. He ran across the street and handed the coin to a woman with a small girl seating right at a corner looking dejected. I thought, it could be his mother and younger sister. The woman was more skinny, with clothes that could have been a thousand times worn without a wash. Her sad face had all these wrinkles formed, weary eyes were so evident and the soiled feet that were only covered by an old "tsinelas". They were the common beggars of the society.

A few kilometers after the Go signal, the thought of the boy's and my younger son's faces flashed and i cannot believe myself giving an alms of five pesos. While driving, i had some questions in my head: " ano mabibili nung limang peso, kendi, tig-iisa para sa kanilang tatlo?! kung anak ko yung namamalimos, bibigyan ko rin ng lima?". what was i thinking?...i felt i was so insensible, kuripot, manhid, walang-paki. Tangna...the guilt struck me right at that moment. Noon lang ako nakaramdam ng ganun.

During the practice, Bosyo, our bass dude approached me then asked, "brod, mukhang out of this world ka 'ata ngayun. Matamlay ka ah...me problema ba?". I had to narrate what happened and what i just did. He smiled, tapped my shoulders then said:" brod, kung bibigyan kita ng limang piso, ano kaya mararamdaman mo ngayon". That answered all my questions that even affirmed my guilt i had been inducing a few hours back. After the practice, Bosyo tapped me at the back of my head (binatukan ako) and suggested, "bro, samahan kita, balikan natin yung biktima mo at gawan mo ng paraan, pagkatapos nun hatid mo ako sa bahay". We drove ahead, stopped by a convenient store and bought a few goods and bread then went straight to that intersection. The boy was nowhere in sight but the woman and the young girl were still at their old post. I handed the plastic bag to the woman and gave her a nod, a retired smile was her reply and uttered in a silent tone..."salamat po".

Right at that moment, i felt a big relief. Di ko ma-eksplika ang sarili ko but it was great...a prized redemption for a wicked man. Bosyo, who was left sitting at the car was smiling then flashed a thumbs up in affirmation. He is one of the simplest, nicest, kind-hearted, crazy guy, i've known and i really admire him for that. When i reached home, i've told my wife about what happened. She pinched my left ear lobe and said:" Tama yang ginawa mo". Sure, the government discourages giving to street beggars...by our gifts, we give them a reason to be on the street rather than in an environment where they could be helped. But it is difficult to turn our backs to people in distress.

 
I had a good sleep last night. I've relialized that we shouldn't wait for the next Tsunami to see less fortunate, distressed and tormented people. There are a lot of them around us.

Friday, February 18, 2005

Horsemen Coming Right Through

It was the night when the "Red Horse" beer drinkers and hell raisers were on the loose. Gabi ng despedida ng isang barkada papuntang Saudi at paikot-ikot kami sa kawalan para mairaos ang gabi. Ang hanap namin ay yung medyo masaya (hindi yung malaswa) para naman nakangiting pasakay ng eroplano itong kaibigan namin. At napadpad kami rito sa Klownz, Araneta. Wala na talagang mapuntahan, baka maubos lang ang oras sa kaiikot.

At ito ang resulta:

 


Maraming bayot na standup comedian at di talaga ako matawa. Di ko masakyan ang mga pinagsasabi bukod pa sa hindi wholesome...eh, pang wholesome tayo, hehehe. Ewan, nakakasawa na rin sigurong manood ng ganoong tema kaya nilunod ko na lang sarili ko sa beer.
 

 
Mga ala una ng madaling araw, ito na ang Aegis which was great. Tuminding ang balahibo ko sa boses ng dalawang babaeng belters. Bukod sa matataas ang boses ay wala ka pang marinig na sayad maski minsan. At sa kanila pa ako natawa sa kanilang mga jokes. Mga komedyante rin pala (in their own rights) itong dalawang chick vocals.

Nag-enjoy ako sa mini concert. Alas tres ng umaga na kami nauwi at pumasok pa ako ng trabaho ng 7 am. Eto, gusto ng magsara ang mata ko sa antok.

Monday, February 14, 2005

Ode to a Lady

Valentine's Day na naman...maalala ko pati noong ako'y nanliligaw pa sa asawa ko. Kasamahan ko siya sa trabaho, nasa Poduction Department siya, Admin Assistant, at ako naman eh, nasa Electrical Department. Hatid-sundo ko siya sa opis, guwardya-Jawo style, at noong araw ng Valentines, pumasok ako sa opisina niya, me dalang isang bungkos ng red roses, a card and some chocolates. Pagka-abot ko sa kanya, sigawan at palakpakan ang kanyang mga officemates samantalang siya ay nakangiti at nagba-blush. Pero wala sa akin ang kantiyaw noon, basta in-love, kumakapal ang mukha ko, lumalakas ang loob...naroon pa ang kanyang boss, sinusundo ko na pauwi...walanghiya kasi ako noong araw. Ewan, marami mga akward na bagay na nagawa ko. Ganyan yata pag umiibig.


 
Kahapon nai-date ko siya (kasama ang aking mga anak at kasama sa bahay). Nag-ihaw ako ng tilapia, nagkilaw ng dilis at nagluto ng ginataang langka. Sinamahan ko na rin ng fresh buko juice para kumpleto. Yes, kumain, nag-lunch kami sa labas...sa likod ng bahay. Ay, talagang super ang kain, sira lahat ang kanilang diet. Di na kailangan ang engranding date sa restaurant, importante maipakita at maipadama kung gaano kahalaga ang isang tao. Bago matulog syempre sinambit ko na yung aking "I Love You" with a kiss at pinabasa ko na itong minadaling poem na gawa ko para sa kanya. Syempre, the rest is history ika nga...hehehe.

Ode to My Lady
 
 
The past thirteen years, is worth a hundred and nine,
There is not a bit of boredom between us two;
Though i may not be on your side every tick of time,
I'd always pause, stop my stride and think of you.

After a hard days work, the energy reserved,
To scrample home without delay to be on time;
And see you sit by the window, yawning sleepily, unfazed;
Holding back for your old man, unweathered, trusting he's fine.

For all the fascinating years gone by;
Now may ask you to pause the nag and shut up for a while,
As i raise my glass in tone and say;
For any day is Valentines, you would always be my queen of the day.

"Happy Valentines" to you, my everdearest,
Here is a toast to a fine and dear lady...
Who unselfishly devotes her love to me at best,
I will forever value the love and carry your heart with me.

Sunday, February 13, 2005

Loud and Proud

Woohoo...just received a small package from my good childhood friend, Tikoy from L.A. Some usual assorted canned goods and the best was an 8-piece carefully-packed metal CD's. Tikoy...man, salamat. Di ka pa rin nakakalimot, sa susunod sana samahan mo naman ng 501, hehehe. You're the best, bro!

 
Mabubulabog na naman ang mga tutuli ko nito, and the new CD's are:
1. Dream Theater - Awake
2. Dream Theater - Cleaning Out The Closet
3. Arch Enemy - Anthems of Rebellion
4. Blind Guardian - A Night at The Opera
5. Nightwish - Wishmaster
6. Dragonheart - Throne of the Alliance
7. Rob Zombie - Hellbilly Deluxe
8. Manowar - Louder Than Hell

Sunday, February 06, 2005

Baduy Nga Ba?

Nagkaroon uli ako ng tsansa na makapuntang Makati kahapon. Sumakay lang ako ng jeepney, tamad akong magdala ng sasakyan kapag doon ang punta ko...mawawala talaga ako sa pagmamamaneho. Bukod sa hindi ako sanay sa lugar, napakaraming kalye na one way at nagpapalit pa ng scheme madalas. One way ngayun, sa isang linggo iba na. Sanay naman ako sa jeep, tricycle, ordinary bus, karetela pa nga kung minsan pag nasa probinsya. Pinakamatindi na nasakyan ko papuntang baryo (sa bukid) ay yung tinatawag nilang "kuliglig". Isang improvised na sasakyan (mini-tractor that doubles as a passenger vehicle). Bukod sa maingay, masakit sa puwet sa lakas ng vibration. Pagbaba mo galing sa sakay, parang nanginginig at umaalog pa rin ang katawan mo.

Napalayo ako. Habang nakasakay sa jeepney me nag-uusap na dalawang estudyanteng babae, makikinis at nagbubungisngisan. Me nakita yata yung isa at napasalita ng "eks, ang baduy naman ng mga yun!" sabay tawa yung dalawa. Sa kuryusidad ko, tinignan ko yung binabanggit. Dalawa ring kabataan, na ordinaryo ang suot, wala sa uso at magsyota...nakaholding hands kasi. Nakapumada ata o gel yung lalake at nakatsinelas pa. Ewan, bigla akong nag-isip. Ba't baduy? Napatalinhaga ako sa ibig sabihin ng baduy sa panahon na 'to. Ano ang pagkakaiba ng baduy nong 80's o 90's sa ngayun? Noong araw kasi sa pagkakaalam ko, ang "baduy" eh yung kulay pula ang polo, asul ang medyas at berde ang sapatos. Pero kung maalala natin, sa 90's yung pormang yun eh "in na in" pagpasok ng era ng "bagets"...so yung baduy sa porma noog 80's, pumatok ang ganun ding porma sa '90's.

Would a "baduy" mean less superior sa salita at gawa o sa porma? Naghanap ako ng mga articles para sa kahulugan ng "baduy" sa kasalukuyang panahon. The young generation describe them as: kung di ka fasionable o wala ka sa style, you're baduy; kung wala kang eteketa o medyo bastos, baduy ka; kung trying hard ka to be in pero out pa rin, baduy ka raw; kung old fashion ka, baduy ka raw; kapag kill joy o walang pakisama, baduy; mga englisero na english carabao, mga coño raw magsalita tulad ng "the more the many-er, give him the benefit of the daw or oh my God don't make tusok-tusok with that fishball". At baduy ka raw pag alam mo lahat ng pangalan ng membro ng Sex Bomb Dancers.

Sinubukan ko nga ilista ang labinlimang (15) bagay na unang pumasok sa isip ko kung ano meron ako para ma-assess ko kung ako eh baduy rin:
1. Kinakain ko ngayun habang nagbo-blog: kropeck (sitsaron)
2. Kadalasang pinapanood sa TV: PBA, TV Patrol, CSI at HBO
3. Kadalasang damit: button-fly jeans, gray cotton shirt, and sneakers. but i dress-up naman, kumporme sa okasyon.
4. My music: nothing but metal. Hate ko talaga ang disco at rap (sori sa mahilig 'nun).
5. Paboritong pagkain: bulalo na may katabing bagoong + kalamansi, pinakbet, papaitan.
6. Paboritong parte sa newspaper: editorial or opinion section
7. Kadalasang pasyalan: SM Megamall at Luneta (kasama ang pamilya)
8. Moody ako, ngayun nakatawa, mamaya seryoso na ang mukha.
9. Madali akong maluha pag nanonood ng drama movies (mga english ang type ko)...mababaw luha ko.
10. Mahilig ako sa gitara, dalawa gitara ko: isang Stratocaster at isang Lumanog.
11. Type kong almusal ay dilis, tuyo at itlog (dito yata hinango ang "jolog"...di-yo-log).
12. Laki akong probinsya...ilokano ako.
13. Napapadaan minsan sa ukay-ukay at tiangge.
14. Segunda mano ang sasakyan.
15. Mga barkada: (ang aking banda) mga kababayan ko na pareho ko rin ang ugali at porma.

Tsk, 75% baduy nga ako...eh ano?! But i'll disagree with the two kolehiyalas that i am less superior. I would say "baduy" is only in the mind...walang epekto sa akin, nakatrinelas man o naka-birkenstock.

Tuesday, February 01, 2005

Across The Miles

Today is declared as official Hangover Day...I got a headache the whole day and i feel lousy.
I, together with some company delegates were in Makati yesterday to attend the business unit's annual "Advance Day". Nakababa na naman ng bundok ang mga taga-bundok...kami yun. It was held in Dusit Hotel and there were around ninety participants, that included the big, big bosses. It was a whole day affair where plant performaces for the year 2004 were reviewed (if targets and objectives were met) then plans and ambitions for this year were laid out.

"Advance" is the industrial division's vision to assert the industrial leadership, that is to set and achieve world class performance targets.
  • Maximise value through increasing margins with the right balance of high perceived value and low delivered cost.
  • Resolve daily operational challenges with sustainable solutions.
  • Confirm the leadership by active benchmarking and reacting faster than competitors to the industrial challenges of tomorrow.
  • Drive the development and application of new technologies in the industry.
  • Improve asset utilisation effectiveness by increasing investment yields and reducing working capital.
 

Naks, bigat ano? After long discussions, there were awards given to each company who did well last year. We were given the Safety Award (there were no accidents incurred for the last 2 1/2 years), Plant Reliability Award (from 88 % to 97.5% ) and Operation Level Award. Tuwang-tuwa ang boss namin at sa tuwa, pina-inom kami sa Pier One (sa The Fort daw yun) hanggang 2 am ng umaga. Ngayun, medyo mahilo-hilo pa ako sa hangover. But it was such a big achievement for the company whose vision is to have a continuous improvement, not only on operational aspect but to the people as well.
 
 

Boring na kwento ano?!

Nostalgia